Aiko Melendez, nagsalita na sa pagkadawit ng kanyang boyfriend sa narco-list

Binasag na ng aktres na si Aiko Melendez ang kanyang katahimikan tungkol sa pagkakadawit ng kanyang boyfriend na si Jay Khonghun sa narco-list.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Melendez ang comment ng isang netizen kung saan tila ipinahiwatig nito na may mamamatay at hinimok ang aktres na maghanap na ng ibang boyfriend.

Tinawag na ‘foul’ ng aktres ang mensahe at sinabing hindi ito nakatutulong.

Anya, dumadaan sa isang matinding pagsubok ang kanyang boyfriend kung saan inaakusahan ito sa bagay na hindi naman niya ginawa.

Nanawagan si Melendez sa publiko ng privacy at igalang ang kanilang desisyong manahimik hindi dahil guilty si Khonghun kundi dahil patutunayan nito na inosente siya sa tamang oras at sa tamang lugar.

Nagpahayag din ng takot para sa kanilang buhay si Melendez dahil sinuman ay maaaring magtanim na lamang ng kung anong bagay para idiin sila,

Sinabi rin ni Melendez na ang pagkakadawit ng kanyang boyfriend sa narco-list ay dahil lamang sa eleksyon.

Sa kabila anya nito ay hindi sila titigil na pagsilbihan ang mga mamamayan ng Zambales.

Read more...