Pumanaw ang world champion swimmer na si Kenneth To habang nasa gitna ng pagsasanay sa Florida sa edad na 26.
Isang sakit ang dahilan ang pagyao ng naturang Hong Kong-Australian swimmer.
Pero hindi na isinapubliko ng pamilya kung anong sakit ang ikinamatay ni To.
Nabalita na sumama ang pakiramdam ni To habang nasa training session at dinala ito sa ospital at namatay kalaunan.
Si To ay nagwagi ng silver medal para sa Australia sa 2013 world championships.
Una rito ay nasungkit ng swimmer ang anim na medalya sa 2010 Youth Olympics sa Singapore kabilang ang gold sa 400-meter medley.
Noong 2013 Barcelona Olympics, si To ay bahagi ng Australian squad na nanalo ng silver medal sa 400 medley relay.
MOST READ
LATEST STORIES