Target ni Quezon City mayoralty candidate Bingbong Crisologo na magbigay ng malaking diskwento sa mga magbabayad ng real property tax sa lungsod.
Ayon kay Crisologo, dahil sa kapabayaan umano ng kasalukuyang lokal na pamahalaan ay lumubo ang binabayarang buwis sa syudad.
Dahil dito ay isusulong ng incumbent Representative ng 1st district ng Quezon City at ngayo’y tumatakbo sa pagka-Alkalde ng lungsod ang pagpapatupad ng 70 percent discount sa magbabayad ng real property tax.
Ayon kay Crisologo lumobo mula 400 hanggang 500 porsyento ang itinaas ng buwis sa Quezon City.
Ito ay dahil bigo anya ang lokal na pamahaalan na sundin ang probisyon ukol sa buwis ng Local Government Code.
Plano ni Crisologo na magpatupad ng 70 percent discount sa magbabayad ng real property tax sa unang dalawang buwan ng taon.
Katwiran ni Crisologo, isa sa mga tungkulin ng isang Mayor na protektahan ang mga mamamayan pero hindi ito magagawa kung mataas ang babayaran nilang buwis.
Samantala, dahil sa malaking pondo ng syudad ay nais naman ni Crisologo na magawa rin sa Quezon City ang mga epektibong hakbang ng ibang lungsod gaya sa pangkalusugan at edukasyon.
Napag-iiwanan na anya ang lungsod gayung malaki ang pondo ng lokal ng pamahalaan.
Ayon kay Crisologo, nais niyang tugunan ang isyu ng management ng pondo para maibalik ang Quezon City sa pagiging premiere city sa bansa.