M4.8 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.8 ang karagatang bahagi ng Davao Occidental alas-10:35 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 381 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 78 kilometro.

Samantala, isang magnitude 3.0 na lindol din ang naitala alas-10:32 sa Surigao del Sur.

Ang episentro naman ng pagyanig ay sa layong 88 kilometro Hilagang-Silangan ng Hinatuan.

May lalim itong 30 kilometro.

Tetonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at walang inaasahang aftershocks.

Read more...