Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa una pa lamang ay imposible nang makapasok sa bansa ang mga taga ICC.
Bukod dito, imposible rin anyang magbigay ng impormasyon sa ICC ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa anti drug war campaign ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tanong ni Panelo, saan kukuha ang ICC ng lehitimong impormasyon o kung ito ba ay ibabase na lamang sa ulat ng mga taga media.
Una rito, sinabi ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na tuloy pa rin ang imbestigasyon sa umanoy EJK at human rights abuses sa Pilipinas kahit kumalas na ang bansa sa ICC noong March 17.