Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na “done deal” na ang Kaliwa Dam project.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magagawa lamang ng Pangulo ang pagharang kung may makikitang fraud o anomaly sa proyekto.
Ayon pa kay Panelo, pag-aaralan ng kanyang tanggapan na Office of the Chief Presidential Counsel ang panukala ng China pati na ang Japanese firm na nag-aalok ng mas mababang halaga ng kontrata para sa Kaliwa Dam.
Kukunsultahin din ni Panelo ang mga eksperto sa paggawa ng dam pati na ang mga taga National Economic Development Authority (NEDA) kung bakit mas pinili ang China kaysa sa Japan.