93% ng Manila Water costumers, may tubig na

By Angellic Jordan March 19, 2019 - 10:31 PM

Nakakatanggap na ng regular na suplay ng tubig at mas mahabang water availability ang mga customer ng Manila Water sa east zone ng Metro Manila.

Ayon sa Manila Water, nasa 93 porsyento na ang mayroong regular na water supply.

Kabilang dito ang Barangay San Isidro, San Jose, San Luis at San Roque sa Antipolo; at Barangay Bambang at Wawa sa Taguig.

Nagkaroon anila ng karagdagang pitong oras na suplay ng tubig ang mga nasabing barangay.

Sinabi ng Manila Water na ang ipinatupad na rotational water service scheme ay isinagawa para mabalanse ang water distribution sa kanilang mga customer.

Tiniyak naman ng Manila Water na ipagpapatuloy nila ang pagsagawa ng aksyon para maibalik sa normal ang suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.

TAGS: 93%, manila water, may tubig na, regular na suplay ng tubig, rotational water service scheme, water availability, Water supply, 93%, manila water, may tubig na, regular na suplay ng tubig, rotational water service scheme, water availability, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.