1-week operational shutdown ipatutupad ng MRT-3

Inquirer file photo

Magpapatupad ng isang linggong shutdown ang Metro Rail Transit Line 3 sa buwan ng Abril.

Ayon sa anunsyo ng Department of Transportation, isasagawa ang maintenance shutdown mula sa April 15, Lunes Santo hanggang April 21, Linggo ng pagkabuhay.

Sinabi ng DOTr na kabilang sa isasagawang maintenance works sa isang linggong suspension ng revenue operations ang rail grinding, rail cascading, pagpapalit ng turnouts, structural testing at iba pang general maintenance activities.

Kasama rin sa aayusin ang electrical systems at iba pang sub-systems.

Dahil dito, humiling ng pang unawa sa mga commuters ang pamunuan ng MRT3.

Gagawin anila ang maintenance works para sa mas reliable at efficient na operasyon ng kanilang mga tren.

Muli namang babalik ang revenue operations ng MRT-3 sa April 22, araw ng Lunes.

Read more...