Kaso ng pagpatay kay Christine Lee Silawan “solved” na ayon sa PNP

Ikinukunsiderang “case solved” ng Philippine National Police o PNP ang kaso ng pagpatay sa 16-anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan.

Bagaman case solved na, nilinaw ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac na hindi pa ito case closed.

Nananatiling at-large aniya ang dalawa pang suspek sa kaso.

Matatandaang noong araw ng Sabado, March 16, naaresto ng National Bureau of Investigation o NBI ang dating nobyo at pangunahing suspek sa kaso na isa ring menor-de-edad.

Ayon sa mga otoridad, isiniwalat nito ang pangalan ng mga sangkot umano sa krimen.

Kasalukuyang nagsasagwa ng follow-up operations ang mga otoridad para mahuli ang iba pang suspek sa krimen.

Read more...