Turkish inaresto matapos ang pamamaril sa Utrecht, Netherlands na ikinasawi ng 3 katao

Inaresto ng Dutch police ang isang Turkish man na hinihinalang nasa likod ng pamamaril sa Utrecht Netherlands.

Tatlo ang patay at lima ang sugatan sa nasabing insidente.

Ang suspek ay kinilalang si Gokmen Tanis, 37 anyos na ngayon ay nasa kostodiya na ng mga pulis matapos ang ilang oras na manhunt operation.

Isinailalim sa lockdown ang lungsod matapos ang pamamaril sa kasagsagan ng rush hour ng Lunes ng umaga.

Hindi pa naman malinaw hanggang sa ngayon kung ano ang motibo ng suspek.

Pero sa panayam sa suspek ng local news agency sa Turkey, sinabi nitong pinaputukan niya ang isang kaanak at binaril din niya ang mga nagtangkang tumulong dito.

Read more...