AWOL na pulis arestado dahil sa hindi pagsasauli ng service firearm

Inaresto ang isang AWOL na pulis sa Pasig City makaraang mabigo itong isauli ang kaniyang service firearm.

Kinilala ang pulis na si PO3 Fernando Usita na dating nakatalaga sa Pasig City police office.

Ayon kay Chief Supt. Christopher Tambungan ng Eastern Police District, ilang ulit nilang pindalhan ng liham si Usita para isauli ang kaniyang 9mm pistol na service firearm.

Hunyo 2018 pa kasi nang ito ay magsimulang mag-AWOL.

Kinasuhan si Usita ng kasong malversation of government property at nagpalabas ng warrant of arrest ang Pasig City Metropolitan Trial Court laban sa kaniya.

Depensa naman ng pulis, hindi niya alam kung saan isasauli ang baril.

Read more...