Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Fidelis Layog bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.
Inanunsyo ang appointment kay Layog sa Roma araw ng Lunes.
Bilang auxiliary bishop, si Layog ay magiging katuwang ni Archbishop Socrates Villegas sa pagpapatakbo ng arkidiyosesis.
Ang bagong obispo ay ipinanganak sa Dagupan City noong November 20, 1968.
Nag-aral ito ng Philosophy sa Mary Help of Christians College Seminary at Theology sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.
Inordinahang pari si Layog noong April 29, 1996 at taong 2003 ay natapos nito ang kanyang degree sa Biblical Theology mula sa Pontifical University of St. Thomas sa Roma.
Nagsilbing kura paroko ng dalawang parokya sa Pangasinan si Layog mula 2006 hanggang 2014 at naging direktor ng Mapandan Catholic School mula 2014 hanggang 2016.
Mula naman 2017 bukod sa pagiging kura paroko sa Binmaley, ay nagsilbi rin si Layog bilang direktor ng St. Columban Institute of Domalandan.