PPCRV nanawagan ng volunteers para sa May 13 elections

Nangangailangan ng volunteers para sa May 13 midterms elections ang poll watchdog group ng Simbahang Katolika na Parish Pastoral Council for Responsible (PPCRV).

Sa post ng PPCRV sa kanilang Facebook page araw ng Lunes, inanunsyo ang pangangailagan sa volunteers.

Layon umanong nitong matiyak ang isang CHAMP o Clean, Honest, Accurate, Meaningful at Peaceful na halalan.

Patikular na kailangan ng poll watchdog ang mga computer literate at may alam sa information technology.

Ang PPCRV volunteer ay dapat 18 anyos, rehistradong botante, walang kaugnayan sa Board of Election Inspectors hanggang sa fourth degree of consanguinity at lalong hindi dapat kaanak ng kandidato.

Ang mga interesado ay hinihikayat na tumungo sa kanilang parish representatives o hindi kaya ay dapat mag-message sa PPCRV FB page.

Nauna nang sinabi ni PPCRV board member Arwin Serrano na ang miminum na bilang ng kailangan nilang volunteers ay 300,000 ngunit target anya nila ay 500,000.

Ang PPCRV ay ang accredited citizens’ arm ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 13 elections.

Read more...