Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa Surigao del Norte alas-12:35 ng madaling araw.
Ang episentro ay sa layong 54 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos at may lalim na 22 kilometro.
Makalipas ang halos isang oras o ganap na ala-1:30, niyanig muli ang Surigao del Norte ng isang magnitude 3.2 na lindol.
Ang episentro nito ay sa layong 41 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos at may lalim na 21 kilometro.
Sumunod ang magnitude 3.2 na lindol sa Bataan ala-1:33 ng madaling araw.
Alas-1:34 naman ng tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Occidental.
Naitala ang episentro sa layong 103 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos at may lalim na 49 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang aftershocks.