40 kilo ng basura, nakuha sa tiyan ng patay na balyena

Credit: D’ Bone Collector Museum Inc. FB

Umabot sa 40 kilo ng iba’t ibang uri basura partikular ang plastic ang nakuha sa tiyan ng patay sa balyena sa Compostella Valley.

Nadiskubre ang laman ng tiyan ng balyena matapos ang isinagawang necropsy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Matapos ang pagsusuri ay nabatid na ang dahilan ng pagmakamatay ng balyena ay dahil sa naipong mga plastic sa tiyan nito.

Kabilang ang 16 sako ng bigas, apat na banana plantation style bags at samu’t saring shopping bags.

Credit: D’ Bone Collector Museum Inc. FB

Ayon sa otoridad, ito na ang pinakamaraming plastic na nakuha mula sa isang balyena.

Nababahala na ang mga eksperto sa magkakasunod na pagkamatay ng ilang hayop dahil sa basura.

Read more...