Sa isang pahayag araw ng Lunes, ang lower flat rates ay upang mabawasan ang impact ng toll adjustments sa mga motorista.
Matatandaang nauna nang inanusyo ng NLEX ang toll rate hike na P10 kasama ang P6 sa open system.
Dahil sa anunsyo kahapon, ang mga motorista na may Class 1 vehicles na dadaan sa NLEX ay may additional charge na P9 imbes na P10.
Simula Miyerkules, ang mga ordinaryong kotse na dadaan sa Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon, Meycauayan, at Marilao sections ay magbabayad na ng P54 mula sa kasalukuyang rate na P45.
Ang class 2 vehicles naman o mga bus at maliliit na truck ay may dagdag na P22 hanggang P136.
Ang class 3 vehicles o malalaking trucks at trailers ay magbabayad ng dagdag na P28 hanggang P645.