Driver na bumatak ng shabu para gising sa biyahe, arestado

CDND photo

Arestado ang isang driver ng truck na nagbibiyahe ng mga isda sa Basilan-Cebu matapos itong mahulihan ng isang pack ng shabu.

Ayon sa suspek na si Abdurasid Haji, 26 anyos, nais lang niya na gising at may lakas habang nasa biyahe kaya siya bumatak ng shabu.

Pero dahil sa kakaibang kilos matapos makatira ng shabu, napuna ito ng nagpaptrulyang pulis sa L. Flores St. sa Barangay Pasil sa Cebu City.

Ayon kay PO2 Raymund Calumboy ng Cebu City Force Mobile Company, hindi mapakali si Haji nang kanilang lapitan.

Nang inspeksyunin ay nakuha sa driver ang droga.

Nakakulong na ngayon si Haji sa Cebu City police detention cell.

Read more...