Bagyong Chedeng nagbago ng direksyon, tatama na sa eastern coast ng Davao Occidental

Sa eastern coast na ng Davao Occidental inaasahang tatama ang Bagyong Chedeng sa pagitan ng alas-2:00 hanggang alas-6:00 bukas ng umaga (March 19).

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, pagkatapos mag-landfall ay posibleng maging isang low pressure area (LPA) na lamang ang bagyo.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 180 kilometro Silangan ng General Santos City at kumikilos sa bilis na 25 kilometro bawat oras sa direksyong Kanluran.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro bawat oras.

Nakataas ang storm warning signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Ngayong gabi ay makararanas ng malawakang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Caraga at Davao Regions.

Bukas ay inaasahan na rin ang pag-ulan sa halos buong Mindanao partikular sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro, at Zamboanga Peninsula.

Read more...