P1.5M halaga ng shabu at party drugs, nakumpiska sa 2 college students

Nakumpiska ang nasa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu at party drugs mula sa dalawang college student sa Makati City, Lunes ng umaga.

Ayon sa Makati City police, pumunta ang drayber ng GrabExpress na si Claus Sabadera, 32-anyos, sa Police Community Precinct 3 para i-turnover ang pitong tableta ng ecstasy.

Sinabi umano ng drayber na ipinag-utos ni Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24-anyos na estudyante ng De La Salle – College of St. Benilde, na kunin ang ecstacy tablets sa harap ng Cityland 9 Dela Rosa Condominium at dalhin sa bahagi ng Bonifacio Global City sa Taguig City.

NCRPO photo

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto si Suzuki at narekober ang ilan pang shabu at party drugs.

Samantala, sa kasagsagan ng inventory, nagpadala ng text message ang isa sa mga umano’y supplier ng suspek ng panibagong delivery ng ilegal na droga sa loob ng kaniyang condo unit.

Dito nahuli si Ralph Jeffrey Esteban, 23-anyos na mag-aaral mula sa De La Salle University (DLSU).

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...