Magnitude 3.7 na lindol naitala sa Eastern Samar

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Eastern Samar, Lunes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 101 kilometers Northeast ng Guiuan dakong 8:15 ng gabi.

May lalim itong 1 kilometro at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...