Presyo ng gasolina at diesel muling tataas bukas

AFP PHOTO/Jay DIRECTO

Muling magtataas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga oil companies bukas, araw ng Martes.

Sinabi ng ilang industry insiders na aabot sa P1.45 kada litor ang inaasahang dagdag sa presyo ng gasolina.

Aabot sa P0.30 bawat litro ang dagdag sa presyo ng diesel samantalang P0.40 naman kada litro sa presyo ng kerosene o gaas.

Nauna nang nag-anunsyo ng dagdag presyo ang Shell, chevron, Petron at Seaoil Philippines at inaasahang susunod dito ang iba pang kumpanya ng langis.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggo na nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpaya ng petrolyo.

Samantala, sinabi naman ni Clean Fuel Chief Executive Officer Atty. Bong Suntay na may nakikita silang posibilidad na bawas-presyo sa presyo ng mga oil products sa susunod na linggo.

Pero ito ay depende pa rin sa magiging galaw ng kalakalan sa merkado sa linggong kasalukuyan.

Read more...