Law Asia pinapadagdagan pa ang research sa kalagayan ng bansa; mga mamumuhunan hindi umaaatras dahil sa EJK

Pinabulaanan ng palasyo ng Malakanyang ang ulat ng Law Asia na may epekto na sa kumpiyansa ng mga investors ang isyu ng extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kulang sa research ang Law Asia kaugnay sa tunay na kalagayan ng bansa.

Base aniya sa kaniyang pakikipag-ugnayan kina Trade Secretary Ramon Lopez, Finance Secretary Sonny Domingues at National Economic Development Authority Director General Ernesto Pernia, malakas ang foreign investment sa bansa.

Hindi kailanman aniya natalakay ng mga dayuhang mamumuhunan ang pagkabahala sa EJK.

Katunayan, sinabi ni Panelo na nalagpasan pa ngayon ng Pilipinas ang mga naitalang investment noong
mga nakaraang taon.

Read more...