Sinabi ni Gordon na nagsayang lang sila ng pondo ng bayan at panahon sa pagta-trabaho para maipasa ang Senate Bill No 1823 at House Bill No. 7376 dahil napunta lang sa wala.
Pagdidiin nito, ang Malakanyang ang may gusto ng mga panukala at nag-lobby pa aniya ang administrasyon ngunit sa dakong huli ay na-veto lang ito.
Binalewala ni Pangulong Duterte ang mga panukala sa pangamba na magdudulot ito ng malaking pagkakaiba sa suweldo ng mga kawani sa hudikatura at ehekutibo.
Ayon kay Gordon isinulong niya ang panukala para pumantay ang mga benepisyo ng Solicitor General at kanyang mga abogado sa kanilang mga kasama sa ibang sangay ng hudiktura.
Layon aniya nito na marami ang mahikayat na mag-trabaho sa OSG.
Naipasa ang panukala sa Senado noong nakaraang Setyembre matapos paboran ng 16 senador.