Naglabas na ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO na pansamantalang nagpapatigil sa Legal Education Board o LEB sa implementasyon ng Philippine Law School Admission Test o Philsat bilang isa sa mga requirement para sa matanggap ang isang estudyante sa mga law schools sa buong bansa.
Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc na may petsang March 12, 2019, inatasan nito ang LEB na itigil ang kanilang memorandum circular number 18 na may petsang June 8, 2018.
Nauna nang sumalang sa oral arguments ang isyu noong March 5 kung saan binigyang pagkakataon ang petitioner at ang mga respondents na ilatag ang kanilang mga argumento sa isyu.
Ayon sa SC, ang mga estudyante na hindi pa nakakakuha ng PhilSat bago ang pagsisimula ng Academic School Year 2018-2019 o sa mga nakakuha ng PhilSat pero hindi nakapasa at dapat payagang makapag-enroll bilang mga incoming freshmen law students alinsunod na rin sa isinasaad ng LEB Memorandum Order number 11, series of 2017.
Ang PhilSat examination ay isinagawa ng LEB noong April 2017, September 2017, April 2018 at September 2018.
Dumulog sa Korte Suprema ang mga petitioner na sina Oscar Pimintel, Francis Jose Lean Abayata et al., at.
Kinuwestyon ang ligalidad ng Legal Education Reform Act na ginamit na basehan para sa paglalabas ng LEB Memorandum Order No. 7 para sa pagsasagawa ng Philsat.