Sa Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 445 kilometers silangang bahagi ng Davao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Bahagyang bumilis ang bagyo na kumikilos ngayon sa bilis na 20- kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang Public Storm Warning Signal Number 1 sa sumusunod na mga lalawigan:
- Davao Oriental
- Compostela Valley
- Davao del Sur
- Davao City
- Davao Occidental
- Southern part ng Davao del Norte kabilang ang Samal Island
- Eastern part ng North Cotabato
- Eastern part ng Sarangani
Inaasahang tatama sa kalupaan ng eastern coast ng Davao Oriental ang bagyo bukas ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES