Nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumento kaugnay ng imbestigasyon ng Olongapo Police sa kaso ng pagpatay kay businessman Dominic Sytin.
Si Dominic Sytin , founder at chief executive officer ng United Auctioneers, Inc. (UAI), ay binaril at napatay sa harap ng Lighthouse Hotel sa Subic Bay Freeport Zone noong Nov. 28, 2018.
Nasugatan din sa pamamaril ang bodyguard ng negosyante na si Efren Espartero.
Una nang nagsampa sa DOJ ng kasong murder at frustrated murder ang maybahay ni Dominic na si Ann Marietta Sytin, laban sa kapatid ng kanyang mister na si Dennis Sytin matapos ikanta ng naarestong gunman na si Edgardor Luib.
Ayon kay Luib, si Dennis Sytin ang nag utos sa kanya na patayin ang kapaitd nito kapalit ng pera.
Bukod kina Luib at Dennis , kasama rin sa mga inireklamo sina Oliver Fuentes, alias Ryan Rementilla, na kababata si Luib.
Una nang itinanggi ni Dennis na siya ang nagpapatay sa kanyang sariling kapatid.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na away sa shares sa operasyon ng kumpanya ang pinag-ugatan ng away ng magkapatid.