K9 dogs gagamitin para maharang ang pagpasok sa bansa ng African Swine Fever

Gagamit na din ng bomb sniffing dogs upang mapa-igiting ang pagbabantay laban sa mga karneng baboy na posibleng kontaminado ng African swine fever.

Ayon sa Department of Agriculture, gagamitin ang mga K9 dogs upang agad ma-detect ang mga kargamentong mayroong karneng baboy o iba pang pork products.

Sinabi ng Bureau of Animal Industry, itatalaga ang mga K9 sa mga paliparan at sa iba pang port of entry sa bansa.

Una rito ay naghigpit ang DA sa pagpasok sa bansa ng mga karneng baboy na kontaminado ng African Swine Fever.

Read more...