Dahilan ng pagbagsak ng Ethiopian Airlines at ng Lion Air may pagkakapareho

May pagkakatulad ang naging sanhi ng pagbagsak ng Ethiopian Airlines at ng Lion Air sa Indonesia noong Oktubre.

Kinumpirma ito ni Ethiopian Transport Minister Dagmawit Moges base sa inisyal na imbestigasyon.

Sa flight tracking data ng dalawang eroplano, nakita ang biglang pag-fluctuate ng altitude habang papaitaas ang eroplano.

Kapwa Boeing 737 Max 8 ang dalawang eroplano.

157 ang nasawi sa Ethiopian Airlines habang 189 naman sa Lion Air.

Aabutin ng 30 araw bago tuluyang lumabas ang kabuuang report hinggil sa imbestigasyon.

Read more...