M4.4 na lindol yumanig sa Ilocos Norte

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte alas-4:53 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol sa layong 16 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Adams.

May lalim itong 18 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang instrumental intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Wala naidulot na pinsala sa mga ari-arian ang lindol at hindi rin inaasahan ang aftershocks.

Read more...