Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 650 kilometers East ng Davao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na mga lalawigan:
Davao Oriental
Compostela Valley
Davao del Sur
Davao City
Davao Occidental
Southern part ng Davao del Norte kabilang ang Samal Island
Eastern part ng North Cotabato
Eastern part ng Sarangani
Ang bagyong Chedeng ay maghahatid ng kalat-kalat at minsan ay malawakang katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, at Davao del Norte ngayong araw.
Bukas, araw ng Martes maaapektuhan na nito ang mas malaking bahagi ng Mindanao.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng eastern coast ng Davao Oriental ang bagyo bukas.