Ayon kay national disaster agency spokesperson Sutopo Purwo Nugroho, 51 katao ang patay sa bayan ng Sentani habang 74 ang sugatan.
Ang landslides naman sa kalapit na provincial capital na Jayapura ay kumitil ng pitong buhay.
Ayon kay Nugroho, ang death toll ay posibleng tumaas pa dahil maraming lugar ang hindi pa nararating ng mga awtoridad.
Umabot sa higit 40,000 katao ang kinailangang lumikas dahil sa nararanasang pag-ulan.
Ang Sentani ang pinakamalalang naapektuhan ng pag-ulan ayon sa local disaster mitigation agency.
Matapos ang landslides umaga ng Linggo ay nakaranas ng malawakang pagbaha ang naturang bayan na rumagasa sa mga residente, mga puno at iba pang debris.
Nagdeklara na ng dalawang linggong emergency ang Papua provincial administration para makakuha ng kinakailangang tulong sa central government.