Ginebra wagi sa overtime kontra Magnolia

Nag-umapaw ang depensa ng Barangay Ginebra dahilan para manalo kontra Magnolia sa overtime play sa iskor na 97-93, sa kanilang laban kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa 2019 PBA Cup.

Dahil dito, umabante pa ang Ginebra para kunin ang isang slot sa quarter finals.

Ito na ang ikalimang panalo ng Gin Kings sa walong laro at nananatiling nasa ikalimang pwesto.

Nagtala si Scottie Thompson ng career-high na 27 points kabilang ang kanyang magkasunod na tres para itala ang 94-90 na iskor pabor sa Ginebra sa natitirang 1:56 ng laro.

Inilarawan ni coach Tim Cone si Thompson na ‘spectacular’.

Nakapag-ambag naman ng double digit scores sina Japeth Aguilar at LA Tenorio na 16 at 10 points.

Samantala, naitala na ni Tenorio ang most consecutive games played sa PBA Cup.

Ang laban kagabi ang kanyang ika-597 na laro sa PBA.

Ayon kay Cone, nais nilang gawing memorable ang itinalang kasaysayan ni Tenorio sa pamamagitan ng isang panalo.

Samantala, dumausdos naman ang Hotshots sa win-loss record na 3-5.

Read more...