Sa ulat ng Catarman police, nagsimula ang sunog sa isang gitnang bahagi ng gusali dakong alas 9:26 ng gabi.
Electrical wiring ang naging sanhi ng sunog sa lugar.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), rumesponde sa sunog sa mga bumbero mula sa mga kalapit-bayan tulad ng Mondragon, San Jose at Lope De Vega sa lalawigan.
Tumagal ng halos tatlong oras ang sunog at tuluyang naapula bandang 12:05, Linggo ng madaling-araw.
Tinatayang P2 milyon ang halaga ng pinsala sa mga nasunog na paninda at kagamitan sa gusali.
Sinabi ng BFP na wala namang nasawi o nasaktan sa sunog.
MOST READ
LATEST STORIES