42 patay, 21 sugatan sa pagbaha sa Indonesia

AFP photo

Hindi bababa sa 42 katao ang nasawi habang 21 naman ang sugatan sa pagbaha sa eastern Papua province sa Indonesia.

Binaha ang bahagi ng Sentani malapit sa provincial capital ng Jayapura dahil sa naranasang pag-ulan sa lugar.

Ayon kay Purwo Nugroho, tagapagsalita ng national disaster agency, dose-dosenang kabahayan ang nasira dahil sa baha.

Posible pa aniyang tumaas ang bilang ng mga nasawi at nasirang ari-arian sa nagpapatuloy na search and rescue operations sa mga apektadong lugar.

Unti-unti nang humuhupa ang baha ngunit ipagpapaptuloy pa rin aniya ang paglikas ng mga opisyal sa mga residente.

Read more...