Tauhan ng DFA sa Middle East, nagsasanay para sa overseas voting

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Commissiner Rowena Guanzon na nagsimula na ang pagsasanay ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Middle East kaugnay ng nalalapit na overseas voting.

Ayon kay Guanzon, partikular na umuusad ang training ng DFA officials sa Dubai, Oman at Beirut sa Egypt.

Sinasanay sila sa pag-operate ng PCOS o Precinct Count Optical Scanner.

Sa Abril 13 nakatakda ang overseas voting at tatagal ito hanggang May 13 o sa mismong araw ng midterm election sa Pilipinas.

Read more...