Lalaki, sugatan matapos barilin sa Makati

Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Makati City, Sabado ng gabi.

Nakilala ng Makati Police ang biktima na si Christopher Porlaje, 35-anyos na residente ng Sta. Cruz, Laguna at isang electrician sa Kabayan Hotel sa Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, hinihintay ni Porlaje ang kaniyang partner sa bahagi ng Kalayaan Avenue corner Palawan Street nang biglang lumapit ang suspek at binaril ang biktima bandang 8:35 ng gabi.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala baril sa bahagi ng kaniyang kanang kamay at kaliwang paa.

Agad nakatakas ang suspek sakay ng kaniyang Honda Wave na motorsiklo patungong Edsa northbound.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang biktima sa Ospital ng Makati.

Read more...