87% ng mga Pinoy, masaya sa kanilang buhay – SWS

SWS photo

Siyam sa 10 Filipino ang masaya sa kanilang buhay, batay sa fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa resulta ng survey, lumabas na 87 percent sa mga Pinoy ang ‘very o fairly happy’ sa kanilang buhay.

Mas mababa ito ng pitong puntos mula sa naitalang 94 percent noong December 2017.

Ito na rin ang pinakamababang happinnes score simula December 2014.

Ayon pa sa survey, 39 percent sa mga Pinoy ang ‘very happy,’ 48 percent ang ‘fairly happy,’ habang 11 percent ang ‘not very happy’ at 2 percent naman ang ‘not at all happy.’

Samantala, nasa 13 percent naman ang unhappinness score sa December 2018.

Isinagawa ang survey sa 1,440 respondents na may edad 18 pataas mula December 16 hanggang 19, 2018.

Read more...