LOOK: Mga kanseladong flight sa NAIA ngayong araw (March 17)

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA official Facebook page

Kinansela ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Linggo (March 17).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Kanselado ang dalawang flight ng Cebu Pacific na 5J 504 at 505 biyaheng Manila-Tuguegarao-Manila.

Dahil dito, pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng ticket.

Read more...