Guiao: Pilipinas, underdog sa Fiba World Cup Group D

Fiba photo

Itinuring ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na underdog ang bansa sa Group D ng Fiba World Cup.

Kasama ng Pilipinas sa Group D ang Italy, Angola at ang 2014 World Cup runner-up na Serbia.

Pero kahit underdog, sinabi ni Guiao na sasabak sila sa Fiba World Cup hindi lang para makilahok kundi ibibigay nila ang lahat.

Titiyakin umano ni Guiao na magpapakita ng magandang performance ang mga manlalaro ng bansa.

Samantala, ang Team USA na target manalo ng tatlong sunod na beses ay napunta sa Group E matapos ang draw sa China.

Read more...