2 drug suspects patay sa shootout sa Talisay City

Credit: Benjie Talisic, CDND

Patay ang dalawang umanoy tulak ng droga sa shootout sa mga pulis sa Cantonville, Barangay San Isidro, Talisay City, Cebu Linggo ng umaga.

Ayon kay PO3 Glenn Besande ng Talisay Police Station, nagsasagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit nang manlaban umano ang dalawang suspek na nagresulta sa shootout.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Jesson Aniñon, ang target ng buy bust, at ang umanoy kasabwat nito na si Aldrick Depariene.

Patuloy na pinoproseso ng SOCO ang crime scene.

Read more...