Ngayong araw pormal na magsisimula ang conference at isa si Pangulong Aquino sa 150 world leaders na dadalo dito.
Layon ng COP 21 na makabuo ng legally binding agreement para matugunan ang epekto ng global warming sa mundo
Si PNoy din ang namumuno sa Climate Vulnerable Forum na grupo naman ng mga bansa na naapektuhan ng mga kalamidad nang dahil sa climate change.
Sa kaniyang departure speech, sinabi ng pangulo na siya ang magsisilbing kinatawan ng mga bansang pangunahing naapektuhan ng dumadalas at lumalakas na bugso ng kalamidad dahil sa pagbabago sa klima.
Dahil sa COP 21, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa Paris, bunsod na rin ng katatapos lamang na November 13 attacks.
Umabot sa 120,000 na pulis at sundalo ang ipinakalat sa France na hanggang sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng state of emergency.