Kobe Bryant, magreretiro na sa NBA

FROM NBA TV
Mula sa NBA TV

Ito na ang huling season sa NBA ni Kobe Bryant.

Mismong ang five-time champion na si Bryant ang nag-anunsyo na matapos ang kasalukuyang season sa NBA ay magreretiro na siya.

Gumawa pa ng isang tula si Bryant na may titulong “Dear Basketball” at doon niya inilahad ang kaniyang napipintong pagreretiro.

Sa kaniyang tula, sinabi ni Bryant na bagaman gusto pa ng kaniyang puso, at kaya pa ng kaniyang isip, ang katawan umano niya ang nagsasabing kailangan na niyang mamaalam sa NBA.

Si Bryant ay 37 years old na at kasalukuyang player ng Los Angeles Lakers.

Narito ang kabuuan ng tula na ginawa ni Bryant:

Dear Basketball,

You gave a six-year-old boy his Laker dream
And I’ll always love you for it.
But I can’t love you obsessively for much longer.
This season is all I have left to give.
My heart can take the pounding
My mind can handle the grind
But my body knows it’s time to say goodbye.
And that’s OK.
I’m ready to let you go.
I want you to know now
So we both can savor every moment we have left together.
The good and the bad.
We have given each other
All that we have.

Sa ngayon, si Bryant ang third leading scorer sa history ng NBA, 17 o 18-time All-Star, at five-time champion.

Noong siya ay edad 34, si Bryant ay naging youngest player sa kasaysayan ng NBA na nakapagtala ng 30,000 career points.

Read more...