Ina ni Christine Lee Silawan duda sa naarestong suspek sa pagpatay sa kanyang anak

Hindi kumbinsido ang ina ng 16-anyos na si Christine Lee Silawan na ang naarestong suspek ang may kagagawan sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang anak.

Sa pagharap sa Lapu-Lapu City Police Office (LLCPO) nagpahayag ng pagdududa si Ginang Lourdes Silawan sa suspek na si Jonas Buenos.

Kasama ni Ginang Silawan si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta nang magtungo ito sa LLCPO kasunod ng ulat ng pagkakaaresto kay Buenos.

Iginiit naman ni LLCPO Director Senior Superintendent Limuel Obon na hindi pa nahuhuli ang “primary suspect” at nanatiling person of interest si Buenos.

Itinanggi din ni Obon na sa kanila galing ang larawan ni Buenos na kumakalat ngayon sa mga social media.

Samantala, naglinaw din si Senior Inspector Mariejin Encio, spokersperon ng Christine Special Investigation Task Group na hindi pa nila itinuturing na pangunahing suspek si Buenos habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Aniya, nanatiling “at large” ang pangunahing suspek at subject ng patuloy na manhunt operation.

Ang bangkay ni Silawan ay natagpuan sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal na may 30 saksak sa katawan, walang saplot pang-ibaba at binalatan pa ang mukha hanggang sa lumabas ang bungo.

Nabatid din na kinuha pa ang laman loob ng dalagita.

Read more...