Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Depression sa layong 1,595 kilometro Silangan ng Mindanao.
Taglay nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.
Wala pang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa ngunit inaasahan na itong papasok mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
Pagpasok ng PAR ay papangalanan itong Bagyong ‘Chedeng’.
Samantala, ngayong araw patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang malaking bahagi ng Northern Luzon dahil sa tail-end of a cold front.
Bumugso rin ulit ang Hanging Amihan sa extreme northern Luzon na magdudulot ng mga mahihinang pag-ulan.