M3.5 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-3:00 kaninang madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 163 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 130 kilometro at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang nagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...