Drug suspect patay matapos manlaban sa buy bust sa Makati

Dead on the spot ang isang umanoy tulak ng droga sa buy bust operation sa Barangay West Rembo, Makati City Sabado ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Gideon Ines, nasa gita ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa J.P. Rizal Street nang manlaban umano ang suspek na wala pang pagkakilanlan.

Natunugan umano ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon at nagpaputok ito.

Tumakbo ang suspek sa eskinita at nasukol sa bandang riverside.

Sinabi ng pulisya na ang napatay na drug suspect ay miyembro umano ng isang malaking drug group.

Read more...