Naghain si Trillanes ng petisyon halos isang linggo bago muling buksan ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang trial ng kanyang rebellion case kaugnay ng 2007 Manila Peninsula siege.
Sa kanyang Petition for Certiorari, Prohibition and/or Injunction na may petsang March 11, sinabi ng Senador na daranas siya ng “grave and/or irreparable damages” kung itutuloy ng korte ang paglilitis sa kasong ibinasura na noong 2011.
Noong September 7, 2011, ibinasura ng Makati court ang rebellion case laban kay Trillanes matapos itong bigyan ng amnesty ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Pero pinawalang bisa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa kabiguan ni Trillanes na sundin ang requirements sa pagkakaroon ng amnesty.
Noong September 25, 2018 ay pinagbigyan ng korte ang plea ng Department of Justice (DOJ) na muling buksan ang kaso at inutos na arestuhin ang Senador.
Umapela ang Senador pero ibinasura ito ni Judge Elmo Alameda at itinakda ang resumption ng trial sa March 20.