Batas para sa pagtatayo ng rainwater collectors dapat nang ipatupad – Angara

Ngayong muling nakakaranas ng kakulangan sa tubig sa ilang bahagi ng bansa, sinabi ni Senator Sonny Angara na makakabuti kung ipapatupad ang isang tatlong dekada nang batas.

Sinabi ni Angara na nakasaad sa Republic Act 6716 ang pagpapatayo ng Rainwater Collectors sa bawat barangay sa buong bansa.

Aniya sakop ng batas ang pagkolekta ng tubig-ulan, ang treatment nito at pamamahagi.

Kasabay nito, sinabi din ng senador na dapat ay mamuhunan ang gobyerno sa pagpapatayo ng mga imprastraktura ng tubig para maka-agapay ang bansa sa tuwing may tag-tuyot.

Pagdidiin nito, napapadalas naman na ang problema sa tubig kayat nararapat na magkaroon ng tunay na epektibong water management system para maiwasan ang krisis sa tubig.

Read more...