PNP binabantayan na ang mga lugar na apektado ng water shortage

EPD Photo
Hindi isinasantabi ng pulisya ang posibilidad na magkagulo ang mga umiigib ng tubig kaya’t binabantayan na rin ng mga pulis ang mga water distribution areas.

Inatasan ni Eastern Police District director, Chief Supt. Christopher Tambungan ang mga hepe ng pulisya sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, San Juan at Marikina na magtalaga ng mga pulis sa lugar kung saan namamahagi ang tubig ang Manila Water katuwang ang Bureau of Fire Protection.

Gusto ni Tambungan na maiwasan ang mga argumento sa hanay ng mga umiigib dahil aniya maaring mauwi sa suntukan.

Katuwiran pa ni Tambungan madaling mag-init ang ulo ng mga desperado sa tubig kayat kailangan ay maayos ang pila ng mga umiigib.

Dagdag pa ng opisyal paiigtingin pa nila ang presensiya ng mga pulis sa mga water distribution areas kung kakailanganin.

Read more...