Nararanasang water shortage unti-unting maiibsan sa mga susunod na araw – Manila Water

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 05:48 PM

Sa mga susunod na araw unti-unti nang maiibsan ang nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.

Sa pahayag ng Manila Water, ang antas ng tubig sa kanilang mga reservoirs ay nagsimula nang madagdagan matapos ipatupad ang rotational water supply scheme mula kahapon, araw ng Huwebes.

Sa mga susunod na araw, aasahan ayon sa Manila Water na mas bubuti ang water pressure sa mga apeektadong lugar habang patuloy na pinupuno ang kanilang reservoirs upang mas maabot ang mga consumer na nasa matataas na lugar.

Sa pamamagitan kasi ng operational adjustments ay nabalanse ang water supply distribution sa east zone.

Ayon sa Manila Water, patuloy ang mga hakbang nila upang masiguro na hindi tatagal ang nararanasang service interruptions sa kabuuan ng summer season.

Kabilang sa mga paunang hakbang ng Manila Water ay ang paganahin na ang water treatment plant sa Cardona, Rizal na bahagi ng Rizal Province Water Supply Improvement Project.

Ang nasabing proyekto ay nagbibigay na ngayon ng 22 million liters per day at inaasahang makapagbibigay ng hanggang 50 million liters per day sa kalagitnaan ng Abril.

TAGS: manila water, Radyo Inquirer, Water supply, manila water, Radyo Inquirer, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.